Ni Joshua Alcantara
Binibini, tumatanggap ka pa ba ng tula?
Tinatablan ka pa ba ng matatamis na salita?
Nasubukan mo na bang mahulog sa isang makata?
Tatlong katanungan ang inihain ko -
At 'wag sanang umiling ang iyong ulo
Tatlong katanungang umaasang sagutin mo'y oo
Yung may magkakaparehong tunog na salita
Binibini, nakakakilala ka pa ba ng tugma?
Nakakakilala ka pa ba ng linya?
Saknong na may pinagsama sama upang magdugtong?
Linyang may pinagsamasamang salita?
Nakakakilala ka pa ba ng saknong?
O mas mabuting tanungin ko sa'yo sinta
Na tumanggap ng bulaklak kaysa tula
Binibini, nakakakilala ka pa ba ng tula?
Marahil hindi na tulang pinag isipan
Dahil sinanay ka ng ibang Adan
Na tumanggap ng stuffed toy na naglalakihan
Kaysa sa tulang may pagmamahal na nilalaman.
Mas sinanay ka ng ibang lalaki
Na tumanggap ng tsokolate kaysa tulang may nais ipasabi
Naiintindihan ko, kung bakit hindi na nakakakilala ng tula yang puso mo
Kaya heto't nagsulat ako
Ng tulang magsisilbing susi sa kandado
Ngunit kapag ito'y natanggap at nabasa mo
Upang buksan ang puso mong sarado
Ikaw na sana ang magsilbing hurado
Kung nararapat nga bang tanggapin ang tulang isinulat ko
Inaamin ko, ang tula ko ay hindi nagtataglay ng mamahaling presyo
Ito ang tanging meron lang ako
Panigurado, mararamdaman mong isa ka sa pinaka espesyal na tao
Umaasa ako, na tatanggapin mo ang mga tulang isusulat ko
Wala animong pambili ng mga kahit na anong galing sa mga naging dati mong nobyo
Dahil sinasabi ko sa'yo
Ay ang pagiging makata ko
Na oo, ginoo tumatanggap pa'ko ng tula
At pagmamahal na tanging para lamang saiyo
Kaya sana binibining nagbabasa nito
Handa akong mag alay ng libo libong salita
Sana ay malaman mo
Kahit sandamakmak pa na tugma
Basta't marinig ko lang saiyo ang kataga
Maubusan man ako ng tinta't pluma
Ay magiging pinakamasaya na sa lahat ng makata
Inedit ni: Robbietobby