Friday, April 6, 2018

Sa Bilang Ng Lima, Limot Na Kita

Ni Joshua Alcantara



Isa...
Nag-aalangan pa, 
Kung kakayanin ba,
Pipigilan ang sarili na manabik sayo sinta.
Mga panahong kapiling ka na magiging isang magandang ala-ala.


Dalawa...
Buo na ang aking pasya!
Mga pariralang hinandog sayo'y pupunitin ko na,
Mga huling piyesang binuo ko sabay sa patak ng luha,
Paghihintay't pagmamamahal ay nauwi sa isa namang pantasya.



Tatlo! 
Ang puso kong may puyo,
Mangulit pa sa'yo ay ano.
Sumpaang pag-ibig na hanggang dulo - 
Sinuko ng walang sabi't paano.





Apat -
salamat na lamang sa lahat!
Sa mga labis, pagkukulang na sayo'y di sapat.
Saang matarik na bundok man ako mapadpad,
Ibang guhit ng ating mga palad.





Lima! 
"Mahal pa din kita"
Katagang di na muling masasabi pa.
Napatunayan ang mundo'y magkaiba,
Isaalang alang ka na lamang sa makapagbibigay ng tunay na ligaya.


Inedit Ni: Robbietobby

No comments:

Post a Comment